Binaha ng Paniningil

BALITANATION

Ma. Clarisse Digol

10/2/20251 min read

Ibinandera ng mga residente mula sa bayan ng Masantol at Macabebe, Pampanga ang kanilang mga bitbit na plakard na naglalaman ng panawagan ng pananagutan, paniningil, at pagkondena sa maanomalyang flood control projects ng dalawang bayan at korapsyon sa bansa.

Litaw ang mga ito mula sa pagmartsa sa kalasada ng dalawang bayan hanggang sa makarating sa San Nicolas de Tolentino Parish, Macabebe Plaza, kung saan gaganapin ang pormal na programa ng Saingsing's People's Rally, ngayong araw, Oktubre 2.

Matatandaang ang dalawang bayan ay kabilang sa mga madaling bahain na munisipalidad sa Pampanga at ilang dekada na ring nagtitiis sa nasabing problema.

Known as the third-oldest student publication in Central Luzon. The Industrialist is the premier student publication of Pampanga State University (formerly Don Honorio Ventura State University).

Made by 🤍 The Industrialist Graphic Design and Digital Development Team

Powered by One Artisan, LLC.