Guhit Laban sa Korapsyon
FEATURES


Sa panahong patuloy na sumasakal sa lipunan ang katiwalian, hindi na sapat ang manahimik o magbulag-bulagan. Hindi lamang salita ang ating kasangga—kundi maging ang mga guhit na sumisigaw ng katotohanan at tumatagos sa konsensya ng bayan.
Ang mga dibuhista ng The Industrialist, opisyal na publikasyong pang-mag-aaral ng Pampanga State University, ay matatag na nakikiisa sa pamamagitan ng GUHIT LABAN SA KORAPSYON—isang panawagan upang panagutin ang mga tiwali sa bansa. Sa bawat linya at estilo ng kanilang dibuho, ibinubunyag nila ang kabulukan ng sistema at inilalantad ang katotohanan upang gisingin ang damdamin ng mamamayan.
Sapagkat sa harap ng katiwalian, ang bawat guhit ay paninindigan, ang bawat obra ay panawagan, at ang sining ay nagiging tinig ng sambayanang nananawagan ng hustisya at pagbabago.











