Honorian Kontra Katiwalian
BALITA


Suot ang pulang t-shirt at puting ribbon sa dibdib, nakiisa ang mga estudyante at ilang kawani ng Pampanga State University sa kampanya laban sa korapsyon na pinangunahan ng University Student Council (USC) nitong Lunes, Oktubre 13.
Sa pamamagitan ng kampanyang ito, hinihikayat ng konseho na ipakita ng mga estudyante ang kanilang paninindigan hinggil sa malawakang katiwalian sa bansa, hindi lamang bilang mga iskolar ng pamantasan, kundi bilang responsableng mamamayan ng Pilipinas.











