Lagay ng Pampanga River

BALITAWEATHER

Barbara Sophia Panlilio

11/11/20251 min read

Umakyat sa kritikal na antas ang tubig sa Candaba portion ng Pampanga River ngayong Martes, November 11, kasunod ng pag-ulan dala ng Bagyong Uwan.

Pasado alas tres ng hapon, naitala ang lebel ng tubig sa 5.35–5.40 metro.

Sa pinakahuling update ng Pampanga River Basin Flood Forecasting and Warning Center alas sais ng gabi (6:00 PM), umabot na ito sa 5.40 metro.

Matatandaang isinailalim ng PAGASA sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 ang Candaba noong pananalasa ng bagyo.

Para sa buong detalye, panoorin ang ulat na ito.

Known as the third-oldest student publication in Central Luzon. The Industrialist is the premier student publication of Pampanga State University (formerly Don Honorio Ventura State University).

Made by 🤍 The Industrialist Graphic Design and Digital Development Team

Powered by One Artisan, LLC.