Mga Residente ng Macabebe Nagsagawa ng People’s Rally Laban sa Baha at Korapsyon

BALITANATION

Denser Ace Arce

10/2/20251 min read

Macabebe, Pampanga -

Dala ang kanilang mga hinaing ukol sa hindi matapos-tapos na pagbaha at korapsyon, kasalukuyang dinadagsa ng mga residente mula sa iba't ibang grupo at sektor ng Macabebe ang San Gabriel Chapel bilang paghahanda sa martsa patungo sa Macabebe Plaza kung saan isasagawa ang Saingsing's People Rally ngayong araw, Oktubre 2.

Sa daloy ng programa, magtatagpo ang mga grupo mula Masantol na nagmamartsa mula sa Sta. Lucia Bridge at ang mga residente ng Macabebe patungo sa San Nicolas de Tolentino Parish, kung saan sisimulan ang programa sa pamamagitan ng Banal na Misa ganap na alas-dos ng hapon.

Layunin ng pagkilos na ipanawagan sa pamahalaan ang agarang pagpapatupad ng kongkretong aksyon at pangmatagalang solusyon sa matagal nang problema sa baha sa bayan, gayundin ang pagkondena sa malawakang korapsyon sa bansa.

Known as the third-oldest student publication in Central Luzon. The Industrialist is the premier student publication of Pampanga State University (formerly Don Honorio Ventura State University).

Made by 🤍 The Industrialist Graphic Design and Digital Development Team

Powered by One Artisan, LLC.