Multalks: Hunting Experiences
VIDEO


Sa bawat pagpikit ng mata, multo na lang ba ang nakikita? Hindi ba talaga makalaya? O baka hindi pa payapa?
Ngayong Undas, inihahandog ng The Industrialist, opisyal na pahayagang pang-mag-aaral ng Pampanga State University, ang unang special episode ng InduSpeaks: "Multalks: Haunting Experiences."
Sabay-sabay nating pagnilayan ang mga karanasang humihingi ng kalinawan. Halina't panoorin at pakinggan ang isang talakayan, upang anino nila'y tuluyan nang lumisan. Nawa'y mapasaatin ang kapayapaan sa kasalukuyan.

