PampangaStateU Arnisadores muling namayagpag sa Arnis, overall champ sa '25 Philippine Arnis Open

SPORTS

Sean Mathew Dizon

10/7/20252 min read

Muling pinatunayan ng mga Arnisador ng Pampanga State University (PSU) ang kanilang husay matapos masungkit ang 13 medalya at ang kabuuang kampeonato sa Senior Category ng 2025 Philippine Idol Arnis Open Championship, Oktubre 5 sa Robinsons, Angeles City, Pampanga.

Matapos ang huling laban sa Luzon Leg Friendship Game (LFG), pinanday ng mga manlalaro ang kanilang diskarte sa ilalim ng gabay nina Coach Mark Adrianne Eduarte, Mark Regidor, Erwin Arnedo, at Jeremy Dela Cruz, kung saan naging bentahe ng koponan ang puspusang ensayo upang matiyak na maitatama ang mga pagkukulang sa nakaraang torneo.

Aminado si Cedric Franz Malonzo, isa sa mga nakapag-ambag ng gintong medalya, na may mga pagkukulang pa sila sa LFG at hindi nila inasahang makakamit ang overall champion title.

β€œTo be honest, hindi kami pare-pareho ng adjustment lalo na naging busy ang iba sa amin dahil sa midterm exam, pero not gonna lie, hindi rin namin in-expect ang maging overall champion sa Seniors Category,” ani Malonzo.

Kaugnay nito, ang mga sumusunod ay ang mga pangkalahatan at indibidwal na parangal na naibagahe ng mga manlalaro sa iba't ibang kategorya ng kompetisyon:

Overall Champion - 2025 Philippine Idol Arnis Open 18 above category (Senior)

Individual:

  • Gold - Men's: -50 kg, 18-35 year's old (Kyle Stephen Dizon)

  • Gold - Traditional Double Weapon (John Andrew Sison)

  • Gold - Traditional Espada Y daga (John Andrew Sison)

  • Gold - Traditional Single Weapon (Cedric Franz Malonzo)

  • Gold - Non-Traditional Single Weapon (Cedric Franz Malonzo)

  • Silver - Women's: 46-50 kg, 18-35 year's old (Eunice Ann Manaloto)

  • Silver - Traditional Single Weapon (John Andrew Sison)

  • Silver - Combative, below 50 kg (John Andrew Sison)

  • Silver - Traditional Double Weapon (Cedric Franz Malonzo)

  • Silver - Live Stick Half Lightweight (Christian Bagayawa)

  • Silver - Padded Stick Bantam Weight (Emmanuelle Macasias)

  • Bronze - Padded Stick Feather Weight (Cedric Franz Malonzo)

  • Bronze - Men's: -51-55 kg, 18-25 year's old (Joshua Manao)

Nilahukan ang kompetisyon ng mga kinatawan mula Baguio, Nueva Ecija, Marikina, Tarlac, at iba pang lugar.

Samantala, hindi pa rito natatapos ang pakikipagbuno ng Honorian Arnisadores, dahil puntirya ng koponan ngayon ang nalalapit na Zubiri Cup, kaya patuloy pa rin ang kanilang pag-eensayo.

Known as the third-oldest student publication in Central Luzon. The Industrialist is the premier student publication of Pampanga State University (formerly Don Honorio Ventura State University).

Made by 🀍 The Industrialist Graphic Design and Digital Development Team

Powered by One Artisan, LLC.