Sitwasyon sa Macabebe, Pampanga

BALITAWEATHER

Lady Kibosh Paguinto

11/10/20251 min read

Umabot hanggang binti ang baha sa Barangay San Gabriel, Macabebe, Pampanga mula pa kagabi, Nobyembre 9, at nagpapatuloy hanggang ngayong umaga, Nobyembre 10, dulot ng pabugso-bugsong pag-ulan at malakas na hanging hatid ng Bagyong Uwan.

Ayon kay Allen Jareld Santos, isang mag-aaral ng Pampanga State University, malakas ang ulan sa kanilang lugar kahit pabugso-bugso, dahilan ng mabilis na pagtaas ng tubig sa mga kalsada at mabababang bahagi ng barangay.

Matatandaang kabilang ang Pampanga sa mga probinsyang isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 habang nananalasa ang Bagyong Uwan, na ayon sa PAGASA ay humina na at naging ganap na typhoon mula sa dating super typhoon category.

Known as the third-oldest student publication in Central Luzon. The Industrialist is the premier student publication of Pampanga State University (formerly Don Honorio Ventura State University).

Made by 🤍 The Industrialist Graphic Design and Digital Development Team

Powered by One Artisan, LLC.